Lunes, Pebrero 29, 2016

4th Grading

January
Sa buong markahan na ito ay nagturo lang naman sa Noli Me Tangere.
Nag-report din kami ng mga kabanata sa Noli Me Tangere

Sabado, Pebrero 27, 2016

1-12-16
Tinuro sa amin ang ibat ibang uri ng angulo.
Magdagdag ng caption
1-8-16
Nag karoon kami ng activity na “reflection” at ang aming pinaguusapan ay ang salitang galit

12-01-15
Pinabunot kami kung ano ang aming iuulat at ang aming napili ay “Ang Kambal” http://secinnhs2010.blogspot.com/2010/03/ang-kambal.html
Makaraan ang tatlong araw ay inulat namin ang aming nagawa

Ang Kambal

ni: Karen Baraoidan

Sa bayan ng San Lorenzo, may mag-asawang pinagkalooban ng anak. Sina Samantha at Nichole ang kambal na babaeng anak ng mag-asawang G. Alfredo at Gng. Elizabeth Funtanilla.
Walang labis walang kulang ang pagkakahawig ng kanilang kambal. Sa mukha, sa kutis, sa tangkad, sa buhok at iba pa. Ngunit habang sila’y lumalaki, dito nakikita ang tunay nilang kaanyuan o “ugali.”
Ipinasok ng mag-asawang Funtanilla ang kanilang kambal na anak sa isang pribadong paaralan.
Sa kanilang dalawa si Nichole ang may pinakamagandang pag-uugali. Siya ay mabait, mapagbigay, mapagtimpi, magalang at higit sa lahat magaling. Ito naman ay kasalungat kay Samantha. Siya ay mayabang, tamad, mapagkutya, palaaway at walang pagseseryoso sa kanyang pag-aaral.
Sa paaralan labis ang pagkainggit ni Samantha kay Nichole, dahil sa ipinamamalas niyang katalinuhan. Kaya dito nagsimula ang hidwaan sa pagitan nilang magkambal.
Isang araw sa silid-aralan kung nasaan ang magkambal. Pumasok ang pangulo ng paaralan, “Good morning students, pumunta ako ngayon dito para sabihin sa inyo na may magaganap na tagisan ng talino sa pagkanta. Sino ang interesado sa inyo?” Nagtinginan ang magkambal, at nagtaas ng kamay si Samantha sabay titig kay Nichole at sinabi “Sir gusto ko pong sumali.” Nagtaka ang lahat, “Oh! Ms. Samantha Funtanilla, how about your kakambal Ms. Nichole?” Sumagot si Samantha “Si Nichole sasali eh hindi nga siya marunong kumanta. Tapos pasasalihin ninyo siya? Hay naku wag na” sabay tawa ng malakas. Hndi nakapagsalita ang Ginoo. At ngumiti lamang si Nichole at tinimpi ang galit na nararamdaman sa pang-iinsulto ng kanyang kakambal.
Araw-araw na nag-eensayo si Samantha. Halos mabulabog ang kanilang mga kapitbahay sa lakas ng kanyang pagpapatugtog.
Pagkaraan ng ilang araw sumapit na ang araw ng kompetisyon. Sabik na sabik si Samantha. At pumunta na sila sa paaralan kung saan gaganapin ang kompetisyon. Naiwan si Nichole sa kanilang bahay. Nang magsimula na ang programa nagkaroon ng problema si Samantha, sumabit ang kanyang lalamunan, ayaw lumabas ng boses niya at sisya’y napipiyok. Labis ang pag-aalala ng kanyang mga magulang. Kaya tinawagan ni Mrs. Funtanilla si Nichole. Habang nanonood si Nichole nag ring ang kanyang cell phone “Hello Ma bakit po? Tapos na po ba? Sinong nanalo?” Tanong ng dalaga at sumagot naman ang ina “Anak pumunta ka ngayon dito suotin mo yong damit na binili ko mamaya na ako magpapaliwanag, bilisan mo.” At binaba na ni Mrs. Funtanilla ang phone. At nagbihis nga si Nichole at pumunta sa kompetisyon.
Nang makarating na si Nichole pumunta siya agad sa likod ng stage kung nasaan ang kanyang mga magulang. At biglang tinawag ang pangalan ni Samantha. Kaya kinausap ni Mrs. Funtanilla si nichole na siya na ang pupunta sa entablado para kay Samantha. Sumunod naman si Nichole na kinakabahan at parang tanga na pumupunta sa entablado. At biglang may tinig na sumigaw “Anak kaya mo yan.” Paulit ulit na isinigaw ng kanyang ina.
Ginawa lahat ni Nichole ang kanyang makakaya. At matagumpay naman niya itong kinanta. Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan ang lahat “Samantha!, Samantha! Ang galling mo” Ngumiti lamang si Nichole sa kanilang isinisigaw. Labis ang pagkamangha ni Samantha sa kanyang narinig at nasaksihan. Para siyang natutunaw sa kanyang kinaroroonan. Hindi niya namalayang tumutulo na ang kanyang luha sa mukha. Pagkatapos kumanta si Nichole ay dali-dali itong bumaba sa entablado at umuwi na sa kanilang bahay. At maya-maya pa’y tinawag na nila ang nanalo. Sa mga tatlong tinawag niya wala pa doon ang champion. “And now ladies and gentlemen the winner is none other than Ms. Samantha Funtanilla.” Labis ang kasiyahan ng mag-asawa ngunit si Samantha ay nakokonsensya dahil alam niyang hndi siya yun. Kahit ganoon ang kanyang nararamdaman, para hindi siya mapahiya kinuha parin niya ang award.
At nang matapos na ito umuwi na ang mag-anak. Ngunit si Samantha ay tahimik lamang. Nadatnan nila si Nichole na nanonood ng TV. Nahihiyang lumapit si Samantha kay Nichole. “Nichole sorry sa mga nasabi ko, labis kitang kinutya, labis ang paghuhusga ko sa iyo. Sana mapatawad mo ako sorry talaga di na mauulit.” Walang nagawa si Nichole kundi patawarin ang kanyang kakambal.
Simula noon naging mabait na si Samantha. At nagkaroon sila ng magandang pagsasamahan at palagi na silang nagsasama sa mga katuwaan ng kanyang kakambal.

Aral:
• Huwag maliitin ang kakayahan ng iba
• Huwag mangutya
• Labis na paghanga sa sarili ; Huwag maging mapagmalaki
11-30-15
Sa araw na ito. Ito ang araw na ito ang araw na ipapakita nanamin ang aming nabuo at ang aming napililing istorya ay “Biag Ni Lam-Ang"
Sina Don Juan at Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang...
2 Mga tauhan: Don Juan, Namongan , Lam-Ang , Donya Ines , mga magulang ni donya Ines , mga hilot, 3 Gintong aral: Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.
4 Buod :Sina Don Juan at Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang..
Sina Don Juan at Namongan ay taga-Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak na lalaki. Ito'y si Lam-ang. Bago pa isilang si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.Sa kasamaang palad ay napatay ang ama niya. Pinugutan ito ng ulo at isinabit sa gitna ng nayon ng mga igorot bilang gantimpala at parangal sa kanilang pangkat.
Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una na tumulong sa mga hilot kung manganganak ang maybahay nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mga kasambahay nila ang tumulong sa pagsilang ni Namongan. Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya. Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kung saan naroron ito, na di pa niya nakikita simula pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina ang kinaroroonan ng ama. Makaraan ang siyam na buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya ito sa kabundukan. May dala siyang iba't- ibang sandata at mga anting-anting na makapag-bibigay-lakas sa kaniya at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito. Sa kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya at napangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na galit si Lam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga Igorote. Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at anting-anting. Ang isa ay kaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba pang Igorote ng kaniyang tapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa nipaghiganti niya an pagkamatay ng ama niya. Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, pinaliguan siya ng ilang babaeng kaibigan sa ilog ng Amburayan, dahil ito'y naging ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya. Matapos na paliguan si Lam-ang, namatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay na nakatira sa tubig dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito. Sa kabutihan naman may isang dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan. Ito'y pinuntahan ng binatang si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang at abuhing aso. Isang masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutya kay Lam-ang, kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang. Napakaraming nanliligaw ang nasa bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila ay makatawag ng pansin. Ang tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines ay dumungaw. Ang aso naman ang pinatahol niya at sa isang iglap, tumindig uli ang bahay na natumba. Nakita rin ng magulang ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-an kay Ines ay ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na maging manugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng sariling ari-arian ng magulang ng dalaga. Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si Namongan at mga kababayan, sila Ines ay ikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayang pagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawa pagkatapos ng kasal nila. Isa parin s kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid sa ilog upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat at mapatay ng berkakan (isang uri ng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat ay ipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay tumilaok, ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto. Sa muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati at matiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
11-23-15
Nag turo tungkol sa informants  at binigyan kami ng gawain tungkol sa informants.

11-19-15
Ni laro namin ang mga larong aming nagawa hanggang kinabukasan.
11-16-15 
Nag turo tunkol sa bansang India
Image result for indiaen.wikipedia.orgImage result for indiaedugeography.comImage result for indiabusinessinsider.comImage result for indiaknowindia.gov.inKinabukasn hinati kami 5 grupo para gumawa ng laro na may kinalaman sa kultura at paniniwala ng mga taga-India. Ang amig nagawa ay “sitaw at ragmaw”
11-9-15
Sa araw na ito nagkaroon ng mga activity hanggang sa mga sumunod na araw

3rd Grading Period

11-6-15
Pinaggawa kami sa araw na ito ng essay tunkol sa ma kanluraning bansa at ang napili ko ang bansang Uae.
“ Sa totoo lang wala talaga akong gustong puntahan sa mga bansang ito. Alam niyo kung bakit? Kasi halos kadalasan sa mga itosa na madalas ang kaguluhan ngunit may isangbansa ang pumukawa sa aking antensyon at yun ang uae at aking napagtanto na “ dont judge the book by its cover” napagtanto ko na hindi natin sila kailangan tinganan sa negative side tinganan natin sila sa positive side. Kahit may kagaluhan sa mga bansang ito may kagandahan silang tinatago at ipinagmamalaki sa buong bansa. Isa na rito ang bansang United Arab Emirates napili ko ang bansang ito dahil sa mga magagandang estraktura hindi lang doon mapasyalan ag nagagandang tanawin na pang world class at higit sa lahat  mumukodtangi ang gnais ko ganda at itsura. Ang kapital ng UAE ay Abu Dahbi matatagpuan dito ang pang pitong pinakamalking imbakan ng langis. Ang pangunahing relihiyon dito ay Islam. Nais ko din mapuntaha ang mga pasyalang Sheikn Zayed Grand Mosque upang masaksihan ata malaman ang kanilang pananamapalataya at ang kanilang pagsamba. Ang sumunod ay ang bundok ng Jabal Yibir (1527 meters o 5010 feet).
     Sana pagdating ng panahon hindi lang sa litrato nakikita o sa panaginip nararting at naabot kundi sa tooong mundo. 
                                                Jefferichon101500
10-16-15
Nag turo sa amin ang guro tunkol sa tanka at haiku
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG TANKA AT HAIKU
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Sa ilang anyo ng tula, ang Tanka at Haiku ang pinahahalagahan ng panitikang Hapon. Lumaganap ang Tanka noong ikawalong siglo at ang Haiku noong ika-15 siglo. Layunin ng mga tulang ito na pagsama-samahin ang mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang.
Ang pinakaunang Tanka ay nasa kalipunan ng mga tula na tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves, isang antolohiya na naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang binibigkas at inaawit ng nakararami. Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga manunulat ng Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ikalima hanggang ikawalo siglo, isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang na mula sa karakter ng pagsulat sa Tsina upang ilarawan ang tunog ng karakter ng Hapon.
Tinawag na Kana ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga pangalan”.

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang pahalagahan ng mga makatang Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan, ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.

Maiikling awitin ang ibig sabihin ng Tanka na puno ng damdamin. Bawat Tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na Tanka. Tatlo sa mga taludtod ay may tigpitong bilang ng pantig samantalang tiglimang pantig naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang Tanka upang magpahayag ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din sa paglalaro ng aristocrats ang Tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang isang Tanka. Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito, noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na Haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang Haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan. Ang pinakamahalaga sa Haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang paghihintuan o “cutting word”. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang pinaghintuan ay maaaring makapagpahiwatig ng saglit na paghinto sa daloy ng kaisipan upang makapagbigay-daan na mapag-isipan ang kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso.

Maaari rin namang makapagbigay - daan ito sa marangal na pagwawakas. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan. Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol. Ang higure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”. Mahalagang maunawaan ng babasa ng Haiku at Tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.



Magkaibang uri ng panulaan ang Tanka at Haiku, bagama't nagsimula ang mga ito sa bansang Hapon. Mayroon itong kaniya-kaniyang katangian ng pagiging magkaiba.

Ang Tanka, isang uri ng tula na maaaring awitin ay  may kabuuang tatlumpu't isang pantig na may limang taludtod. Ang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-7-7-5 o maaaring magpalit-palit nang nananatili ang kabuuang bilang ng pantig na tatlumpu't isa.

Ang Haiku naman ay higit na maikli sa Tanka. Binubuo ito ng tatlong taludtod na may bilang ng pantig na 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit nang di nababago ang kabuuang bilang ng mga pantig na labimpito.

Tungkol sa kalikasan at pag-ibig ang paksa ng Haiku at pagbabago, pag-iisa at pag-ibig naman ang karaniwang paksa ng Tanka.

10-8-15
Nagkaroon kami ng recitation tungkol sa napagandang lugar na ang bawat isa sa atin nanaisin pumunta ang nagiisang at wala ng iba ang Japan.
shuttersock.comImage result for japan flag wavingImage result for japanjapaneseammo.comImage result for japanImage result for japaninsight.japantoday.com
Napakarami kong natutunan at nalaman kasi ang totoo hinahangaan ko talaga ang bansang japan .
8-21-15
Nag turo lang namin samin ang aming uro tungkol sa pabula.
Pabula-Ang Pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay mga hayop na kumikilos at nag-aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga batang mambabasa. Patuk na patok sa mga bata ang ganitong uri ng kwento sapagkat napupukaw ang kanilang atensyon sa mga karakter na bumubuo sa istorya. - See more at: http://www.iliked.me/ano-ang-pabula-at-mga-halimbawa-nito/#sthash.xugumvD1.dpu 
Hanggang sa sumunod na mga araw nagabsa kami ng pabulang Nagkamali ng Utos.
Pabula: Nagkamali ng Utos
Image result for nagkamali ng utosImage result for nagkamali ng utos
Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi rin.
Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.
Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.
“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”
Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.
“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging katugunan ng mga matsing.
Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.
Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.